Monday, April 03, 2006

Rewritten from Paper (Sayang sa tinta ng gtech)

April 1, 2006

Summer. Tag-init. Bakasyon. Isa ito sa mga masasayang panahon para sa isang estyudante dahil hindi magdurugo ang utak niya sa pag-aaral. Ngunit kung wala kang ginagawa, ang boring minsan. Ngayon ang unang araw ng bakasyon ko.

Sumasakit ang ulo ko sa panonood ng TV nang matagalan. Eye strain lagi ang napapala ko. Pagkatapos ng magang mga mata ay matinding sakit ng ulo, migraine. Kahit din sa paggamit ng computer, kapag nag-DotA ako ng tatlong oras mangangailangan na ako ng paracetamol. Masaya sana mag-internet, kaso ubos na yung internet card ko.

At dahil wala na rin akong magawa at mapanood na palabas sa TV, naiisip ko kumain. Kaso wala masyadong instant sa bahay naming. Walang tinapay, prutas o no-cook noodles. Merong patatas sa ref, pero hindi ako uod para kumain ng hilaw na patatas. Magluluto pa ako kung kinakailangan. Kung gugustuhin ko man ng instant, kailangan may pera para makabili sa tindahan. Kabibili ko nga lang ng Tofiluk at Cream-O kanina. Nguit kahit masarap ang matamis, nakakasakit din ito. Kaka-tonsillitis ko lang at umiinom pa ako ng antibiotic. At ‘pag sobra din ang nakain kong matamis, sumasakit ang ulo ko.

Pwede din ako mag-basa. Kaso, inaantok na man ako kapagnagbabasa ng libro. Laging ganito - dahil kapag nag-babasa ako, ‘di ako nakaupo dahil nakakangalay yun, kaya nakahiga ako. At masakit yun sa mata dahil kadalasan ang posisyon ko ay against the light. Siguro after 10 pages sasakit na ang ulo ko at ipipikit ko na ang aking mga mata. Idagdag mo pa ang simoy ng electric fan, tulog na ako. Kahit kapag nag-aaral ako para sa periodic exam, ganito ang eksena. Kaya siguro ang baba ng score ko sa exam na yun.

Masaya pala magsulat sa papel (Obvious bang kinopya lang ito sa papel? Wala na kasi akong mai-post sa aking munting blog. This parenthetical remark is not included in the original manuscript.). Nasanay kasi ako magsulat sa PC at kapag nagsusulat ako sa blog e naka-English. Since na-inspire ako magsulat sa Tagalog dahil sa Stainless Longganisa (nahiniram k okay Loraine kaso ‘di ko pa naisauli. Another excluded parenthetical remark.). Parang ang dami kong naisusulat sa papel. Mas naiintindihan ko ang mga naisusulat ko at mas nararamdaman ko ang kagandahan ng pagsusulat. Ano yun?!?!?! Basta, masaya.

Mahirap makakita ng matinong palabas sa TV. Palipat-lipat na ako ngayon, ‘di tulad dati na sa isang channel lang ako nakatuto. Marami akong gusting panoorin sa National Geographic kaso puro hayop kadalasan ang naaabutan ko. Hindi ko type yung mga animal shows maliban lang sa World’s Funniest Animals ng Animal Planet. Personal favourite ko ang mga crime/disaster-solving shows, so inaabangan ko ang 3 CSIs (Las Vegas, Miami, New York), FBI Files at New Detectives ng Discovery Channel at Air Crash Investigation, Interpol Investigates at Seconds from Disaster ng National Geographic. Naaliw na rin ako sa channel na Crime/Suspense.

April 2, 2006

Aliw! Bumili yung kuya ko nang Ultraelectromagnetic Jam. Music ng Eraserheads na ni-revive ng mga artists of today. Ang saya!!! Kasi dati nung bata ako hindi ko ma-appreciate yung Eraserheads. Ngayon lang ako natuwa. Maganda pala.

Ngayong araw na ito nagkakagul kami sa preparation ng green mango shake. Specialty ng blender namin kapag summer. Kailangan mo ng manggang hilaw, yelo at puting asukal (walang angal sa recipe!). Nagkakatalo sa pagkakasunodsunod ng sangakp sa blender. Yung sa akin kasi, mango tapos asukal na may kaunting tubig na ipu-puree, saka ihahalo yung chunks ng yelo. Yung sa kuya ko yelo muna tapos mangga tapos asukal. Kaya nagkakaiba sa timpla. Pero masarap pa rin yung shake.

Napag-usapan namin yung Moments of Love. Sabi ng mom ko maganda. Kapapanood lang nila yun kagabi. Hindi daw boring. Nasabi ko na dati may nag-comment na ginaya lang yung story board ng movie - dalawang tao na magka-iba yung panahon tapos yung connection nila nabubuo sa tulong ng isang bagay. Pero hindi ba dapat ang titignan mo yung kung paano nila idedeliver yung story board na yun? Kaya dapat panoorin muna bago mag-comment. Kung parehong-pareho yung movie sa isa pang movie with the same story board, dun sila mag-away tungkol sa plagiarism at illegal copying.

Ang init! Nagbukas na ng aircon yung mom ko. E ang init talaga! Napabili na nga kami ng Twin Popsies e. Hati kami ng mom ko sa orange. Yung mga kuya ko choclate. Kaso mukhang 5 minutes lang ang epekto ng Twin Popsies. Pagkatapos ng limang minutong ginhawa e tutlo na ang pawis mo at hihilingin n asana may snow sa Pilipinas sa gitna ng Abril.

2:30 pa lang ng hapon gutom na ako. Gutom na rin ung iba, kaya naatasan ako magluto ng macaroni soup. Kaso corned beef ang pangsahog. Wala masyadong lasa ang corned beef. Tapos ‘di ako gumagamit ng vetsin o broth cubes kapag nagluluto. Kaya medyo naguluhan ako kung paano titimplahin yung soup.

Ang init talaga! Kaya Habang nasa aircon ako, binuksan ko yung TV at nanood ng Air Crash Investigation (ang galing, sakto ako sa palabas!). Pinasabog ng US yung Iranian commercial flight 655 dahil akala nila F 14 fighter plane yun tapos meron na yung silang (yung crew ng carrier ng US) scenario-fulfilment syndrome kung saan sa takot nila maatake kahit yung data sinasabi na passenger flight yung IR 655 e nag-act sila on impulse at nag-fire ng missile. Laki ng death toll. 290, crew included.

---

Yikes! Laking language change sa blog. Magsusulat pa rin ako sa English pero trip ko muna ngayon Tagalog. Ciao~

my mind fleeted at :12:56 pm ;

AUTHOR

jay-v james gatdula barit
jebski, jevy, jebby, jev
january 6, 1991
5'11"
tanned
up manila
up college of nursing
block 26
manila science high school
newton, hertz, rutherford, padolina
up manila chorale trainee
manila science alumni chorale member
baritone
jokes, sarcasm and criticisms
blue and green
cute and sexy =p
Pugad Baboy and Garfield
Cyanide and Happiness
piano and voice
watermelons and oranges
cake and ice cream
ice skating and swimming
coffee and hot chocolate
chemistry and pathology
lover and loved


DREAMS

I will become a nurse, then become a doctor, then become a Master of Professional Health Education, and teach at UP someday.

I will have my own house with a very large garden, filled with flowers and trees.

I will get a 1.0 in at least one subject in my course of education in UP. (Now this is ridiculous. But please let me be happy.)

I will have musically-trained ears. Someday. =)

I will learn a foreign language by heart. =)

CREDITS

Designer : kriss.kringle
Upload : picoodle
Image : FuturesporT



LINKED


*Thea Marie Pias (old)
*Thea Marie Pias (new)
*Leslie Anne Santelices
*Vanir Ellaine Bienvenida Campo
*Marie Anne Pauline Ballacillo
*Claudine Valbuena
*Precious Bernadette Avila
*Beatriz Cecilia Montenegro
*Maria Angelica Basada
*Klyonne Whannica Mari Dela Cruz
*Michaelle Cueco
*Rosalyn Margaret Pacaña
*Louise Manuel
*Kalenina Nathalia Agcaoili
*Leah Sumbeling
*Maritoni Jane Basa
*Anna Beatriz Chua
*Anna Phylicia Ramos
*Pauline Anne Macapagal
*Trixia Quinzon
*Kathrina Jane Baron
*Celiz Marie Embuscado
*Janine Sotomil
*Esther Jhudiel Dela Vega
*Kris Jaeyani Daza
*Bea Marnelli Pitoy
*Christine Minnelle Mercader
*Royce Margaux Dimailig

*Kevin Javier
*Niño Jospeh Paz
*Philippe Ronel Labrias
*Carlos Miguel Fabian
*Julius Victorius Saluria
*Cean Angelo Reyes
*John Paul Abad
*Masaki Mitsuhashi
*Angelo Crisanto Miranda
*Ralph Anthony Geronimo
*Iric Kevin Santos
*Jason Mari Josol

*Jane Rose Lim

*Josine Baluyot

*Ronnie Baticulon
*[ShawBoy]

*Basa Dance Troupe

*Edgar De Las Alas Jr.
*Arlaj Turingan
*Jomar Reyes
*Ate Carnaval
*Kuya Aaron
*Mikhail Olalo
*Ate Sachie
*Sayote Queen
*Ate Glenda
*Ituloy angsulong
*Kim Batch 2008



RULES

smile.
sing.
leave a mark.
plese do comment. thanks.


RECORDS
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
October 2007
November 2007
December 2007

COMMENT